Chapter 1 : The Girly and The Boyish
===
"Romeo!!!!" napatakip ako ng tenga ko ng marinig ko na naman ang sigaw ni Mother dear.. Hay nako... Pasalamat siya at mahal ko siya eh..
" Ano yun, Mother dear??" sabi ko habang nakapameywang akong bumaba sa hagdan namin.. Naka beautiful eyes pa akong bumababa at parang beauty queen ako dahil sa pag ke-kembot ko pa para may poise!! wihihihhih...
"Jusko, Romeo Howard! Tigilan mo nga ako sa pag babakla-bakla mo dyan, at baka mahambalos ko sa iyo ang oven na ito!" sigaw niya sa akin.
Napatayo naman ako ng maayos, at inayos ko na ang paglakad ko. Baka totohanin nya pa ang sinabi nya. Lagot na! Wala akong maipapakitang mukha sa mga tao nyan, pag nagkataon.
"*Ehem*.." pag-ubo ko pa kunyari. Inayos ko ang tono ng boses ko at ginawa ko itong panglalaki. " Ano yun, ma?" pag-tanong ko ulit.
"Yan, much better" at tumango-tango pa siya with matching nakataas ang kilay. "Balita ko ang baba ng grades mo sa school ko?! Ano na ang nangyayari sa iyo? Valedictorian ka naman dati!" napa-kamot na lang ako sa ulo ko.
"Ah, eh, ih, oh,---" 'di na natuloy ang sinasabi ko ng biglang sumingit si mama.
"Tatay mong kalbo!" halos manlaki ang mata ko sa sinabi nya. Agad namang bumaba si papa at nakabusangot pa ito.
"Ano na naman?!" pag-sigaw nito kay mama. Napa roll eyes naman ako kaso nahuli naman ako ni mama.
"Hoy! umayos ka ngang lalaki ka! Hindi ka babae! Lalaki ka! May pa ikot-ikot ng mata ka pang nalalaman! Magmula ngayon, if-freeze ko na lahat ng atm cards mo at seryoso ako dito! 'Dun ka na rin tumira sa condo na dapat ibibigay ko sa birthday mo! Mag-aral ka na rin sa school ng pinsan mong si Jeanise (Zannisth)! Susmaryosep na bata ka!" napatakip naman ako ng tenga ko.
⎿(O‸‸‸‸‸‸O)⏌ Pero anong sabi nya???
"Ma naman!!!" sabi ko at lumuhod sa kaniya. "Gagawin ko lahat ng sinabi mo!! Hindi na ako mag ba-bakla-bakla! Basta, huwag mo lang ako ilipat sa school ni Jeanise!! Malalandi ang mga babae duon!"
"That's Final, Romeo. Hindi mo ako makukuha sa ganiyan mo. At saka, malalandi? That's fine with me, para maging lalake ka." sabi niya na dahilan ng pagkawala ng malay ko.
De joke lang (V ^__^)V Pero,,, \(¬⋏ ¬৲৲)/ wala na akong magagawa. Buo na ang desisyon ni mama. Waaaahhhh!!!!
Juliet's POV:
Napalingon ako sa isang lalake na---- Huntae na!! Lalaki ba iyon?? Kung maglakad akala mo babae eh!
"What are you staring at? Nagwapuhan ka ba sa akin?" Pwew. akala ko naman bakla siya. Pero ano kamo ang sabi nya?
"F.Y.I., Mr. I don't know who you are, anong sabi mo? Ako na gwapuhan sa iyo?? Asa ka dude!" sabay walk out ko.
"Hahaha.. Nagj-joke lang ako. Ako nga pala si Romeo Howard. You are?" sabay abo ng kamay niya sa akin. Inabot ko ito. =_=
"Juliet Pendleton. Sige layas na muna ako. Romeo Howard ba kamo ang name mo? Punta ka sa room 143. Nanduon ang klase mo. Tanungin mo na lang sa Prof. kung ano ang mga schedule mo sa class mo. Sige na." sabi ko at tinaboy ko pa siya na parang aso.
"Paano mo nalaman ang room number ko?" tanong niya.
"This is Pendleton University Foundation. Ano nga ulit ang apelyido ko?" tanong ko pabalik sa kaniya. Nabigla naman siya dun at kinamot nya ang batok niya. Seriously, may kuto ba ang taong ito?
"Ahehehehe.... Sorry."
"Sorry your face. Sige aalis na ako." and with that, iniwan ko na siya.
===
Short muna ang UD :)
No comments:
Post a Comment
Something in your mind? Comment Here!