Tuesday, April 9, 2013

Daydreamer's Haven: Love Haters : Chapter 6.1

Daydreamer's Haven: Love Haters : Chapter 6.1

Spoiler:

Flashback:




Nobody's POV:





"La la la la la~♫" isang batang babae ang kumakanta habang patalon-talon pa. 




"Aray!" napatingin sya sa sugat nyang dumudugo. Masakit iyon pero kinuha nya lang ang panyo sa bulsa niya. Mayroong bubog na nasa tuhod nya. Imbis na umiyak, tumingin lang siya ng blanko rito.





"Ayos ka lang ba?" napatingin  sya sa isang batang lalake na lumapit sa kanya.




Umirap lang siya at dahan-dahan niyang hinila ang bubog rito. Napa sigaw siya sa sakit ngunit wala man lang bakas ng luha na tumulo sa kaniya.





"Kung ikaw kaya ang mabubog, at tanungin kitang ayos ka lang ba? Hindi ba't maiisip mong tanga ako?"





Tumayo na ito tsaka kinuha sa kanyang bag ang jacket nya. Napalunok naman ang lalake dito.





"S-sorry. A-ahm, sige mauna na ako." at naglakad na ito palayo sa kanya. Napangiti na lamang ang babae dahil gumana na naman ang kaniyang katarayan.





Hindi pa nakakalayo ang lalake sa kanya kaya tinawag niya ito.




"Saglit!" pag sigaw niya. Napalingon naman ito sa kanya. Tinuro nya pa ang sarili nya para makasigurado. Napa ikot na lamang ang mata neto tsaka tumango.




"Ako si Shiwal. Nakirara Shiwal. Ikaw? Patawarin mo sana ang nagawa ko kanina. Ganyan talaga ako sa lahat ng tao." sabi ni Shiwal.





Ngumiti ang lalake at tumango. "Nice meeting you, Shiwal. Ok lang. Ako nga pala si John Tyler Crowford." sabi naman ni Tyler.




Agad namang ngumiti si Shiwal. "Sige mauuna na ako. Babye!" at kumaway pa ito sa kanya.

No comments:

Post a Comment

Something in your mind? Comment Here!

Hello Kitty - 1